Menu

Samantalahin ang mga Sandali ng Ramaḍān

Sinabi ni Shaykh Al-ʿAllāmah ʿAbdullāh al-Bukhārī:

Kahapon, binati natin ang pagpasok ng Ramaḍān. Ngayon, wala nang natitira sa Ramaḍān maliban sa kakaunti, at sinasabi natin na sandali, sandali! Ganito ang buhay: Parating at Paalis!

Ilan sa mga kilala mo ang nailibing mo na kahapon, wala silang ibang hinihiling maliban na maabot ang Ramaḍān na ito.

Ikaw na naabutan mo ito, samantalahin mo kung ano ang natitira sa Ramaḍān, dahil mabilis lang itong dumadaan, at matagal itong bumalik, at maaaring hindi na ito babalik.


[Muḥadarah: Faḍl al-ʿAshr al-Awākhir min Ramaḍān | 20 Ramaḍān 1445H]


Isinalin sa wikang Tagalog ni Abū Mulaykah Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá RuedaMarso 30, 2024 | Ramadān 20, 1445H

X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!